Friday, August 7, 2009

Futsal Tayo!

Grabe, ang tagal ko na hindi nakapag-sulat...busy kasi!
May bago akong hilig! Bagong sport! Futsal ang tawag...
Ano nga ba ang futsal?
Ito ay katulad ng soccer, pero indoor..
Konti lang din ang naglalaro at mas maliit ang court..


Dalawang linggo na rin ako naglalaro, pero syempre, hindi alam sa bahay nung una..
Buti nalang nagawan ng paraan...Thanks to the gang, pumayag si mama..

Ngayon kasali ako sa isang bagong team, ang tawag samin ay "Futsies"...Futsal -> Futsies! Hahaahah! Sabi nga naman ni Gigi, mas madali nga sabihin at tandaan!

Si Patrice ang captain ng team, malambing at mukhang masayahin
Si Zie ang naging coach namin, tahimik pero mukhang matalino
Si Sarah ang goalie, maamo pero ang lakas kumain! ;P
Si Ling, makulit pero masayahin
Si Dagang, naku!!! Ibang klase talaga yun pero mabait
Si Gigi ang baby ng team, pero ngayon wala sya...nagpapahinga..

Pero ang pinaka OK talaga, pag natapos ang practice!! Hahaahah! Chibog!!! Ngayon ko lang din talaga mas na-appreciate ang GOTO!!! Mas masarap sya after playing! Busog at walang tigil sa kalokohan!



Eto naman ang isang picture na pinakuha ko sa kaibigan ko nung isang beses sya bumisita sa practice namin...

Sarap talaga mag futsal! Mabilis ang laro at nakakapagod! Syempre kasama din jan ang team..iba din talaga kung ok ang mga teammates!

Lahat kami may sari-sariling buhay, pero pag nasa court na, "give your best shot" talaga ang dating! Parang totoong team nga! Haahahah!!

Sana talaga manalo kami sa lahat ng games! Tama nga si Coach Zie, iba ang "high", lalo na pag nananalo!

Yeah, Go Team Futsies!


Thursday, March 5, 2009

Ano Nga Ba Ang "Wika"

1)    Ang WIKA ay mga tunog na pinili at isinaayos sa pamamaraang pinagkasunduan ng mga taong gumagamit nito.

2)    Ang WIKA ay paraan ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang ipahayag ng tao ang kanilang kaisipan, damdamin at pangangailangan.

3)    Ang WIKA ay mga isinatinig na mga tunog. Maraming tunog sa paligid ngunit hindi lahat ng tuno ay maituturing na wika. Ang mga tunog na maituturing na WIKA ay ang mga tunog na isinatinig sa tulong ng iba't-ibang sangkap ng pagsasalita gaya ng dila, ngalangala, babagtingang-tining, atbp.

4)    Ang WIKA ay pantao. May mga tunog ding isinatinig ng mga hayop gaya ng kahol ng aso, unga ng kalabaw o tilaok ng manok, atbp. Ngunit ang mga ito ay hindi WIKA. Ang WIKA ay pantao at magagamit ito sa pagsasalin ng kultura at may sistemang tunog at kahulugan.

5)    Ang WIKA ay hindi maihihiwalay sa kultura. Nakabatay ang WIKA sa kultura ng taong gumagamit ng WIKA. Sa pamamagitan ng WIKA nagkakaugnay ang tradisyon, kaugalian, mithiin, at paniniwala ng mga tao.

6)    Walang WIKAng nakatataas at mababang uri ng WIKA. Bawat WIKA ay may kanya-kanyang katangian at kalikasan.

7)    Ang WIKA ay ginagamit sa komunikasyon. WIKA ang pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahight pang taong nag-uusap. Ginagamit ang WIKA upang ipahayag ang pangangailangan, damdamin at ang iniisip para sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng pagkakataon.